Thursday, June 13, 2013

Respect.

06.13.2013 Thursday

Kakatapos lang ng Araw ng Kalayaan kahapon, naisip kong isulat ang post na ito sa wikang Tagalog.

Nagpapalitan kami ng kuro-kuro ng boyfriend ko kahapon. At isa sa mga naging usapan namin ay ang tungkol sa konsepto ng RESPETO.

Ayon sa Dictionary.com, ang RESPECT [ri-spekt] o respeto sa Tagalog, ay may limang kahulugan bilang noun o pangngalan. Ito ay nangangahulugan sa mga sumusunod:

    1. a particular, detail, or point (usually preceded by in): to differ in some respect.

    2. relation or reference: inquiries with respect to a route.

    3. esteem for a sense or a sense of the worth or excellence of a person, a personal quality or ability, or something considered as a manifestation of a personal quality or ability: I have great respect for her judgment.

    4. deference to a right, privilege, privileged position, or someone or something considered to have certain rights or privileges; proper acceptance or courtesy; acknowledgment: respect for a suspect's right to counsel; to show respect for the flag; respect for the elderly.

    5. the condition of being esteemed or honored: to be held in respect.

Nakahighlight ang mga salita o grupo ng mga salita na naging punto ng aming usapan. Kagaya ng lagi naming talastasan, ito ay madalas na random. Mula sa trabaho, sa bahay, sa mga tao sa paligid, sa mga nakikita at nararanasan namin, sa tv or social media. Name it.

Magkaiba kami ng klase or grupo na kinabibilangan pagdating sa trabaho. Nasa private industry ako at siya naman ay nabibilang sa government-funded project. Kung iisipin mo, parang bias ako sa post na ito dahil base ito sa aking karanasan. Base ito sa paraan kung paano kami sumusunod sa aming mga prinsipyo. Isa ang RESPECT sa Core Values ng aming kompanya. At sa idolohiyang ito, nagiging pamantayan ito ng aming pang-araw-araw na buhay. Sabi nga nila, "live what you preach". At masaya ako kung nasaan ako ngayon. Maswerte ako dahil nabibilang ako sa isang mapagmahal at mapag-alagang pamilya. Oo, ang kompanya kung nasaan ako ay itinuturing kong pangalawang pamilya. When you love what you are doing, work's definition loses its meaning.

Hindi ko sinasabing perpekto kami (sa kompanya). Wala namang perpekto, kahit saan, kahit sino. Hindi kami mayabang. Ipinagmamalaki lang namin ang aming Core Values. At ito ay dahil alam naming makabubuti ito sa aming pamumuhay at sa amin bilang isang tao.

Respect. Respeto. Sabi nga ni Sarah G. "Big Word".

Mataas ang pagtingin ko sa taong namamahala sa amin. Pantay-pantay ang tingin niya sa aming lahat. Walang boss, walang worker, walang research assistant. Lahat respetado. At alam kong gusto niya ring ganito ang ituring namin sa isa't isa. Bawat opinyon ng bawat isa ay napapakinggan, iginagalang. Para sa akin, napakahalaga nito sa isang organisasyon. Kahit saan, private man o sa ilalim ng gobyerno. Dapat may paggalang. Dapat may respeto.

If you want your subordinates to respect you, look at yourself. Iginagalang mo ba ang opinyon nila? Kinikilala mo ba ang kakahayan nila? Nakikita mo ba ang efforts na ipinapakita nila, kahit way younger sila sa'yo? Remember, you were once that young! Saan pa ba tayong lahat nagsisimula, hindi ba? Kung babalikan mo ang origin ng salitang RESPECT, galing ito sa Latin na respectus. Ang ibig sabihin ay action of looking back, consideration, regard [Dictionary.com].

Magsimula tayo sa ating mga sarili. Saka natin ibahagi sa iba. Ang respeto ay isang napakagandang bagay. 


0 comments:

Post a Comment